PATULOY NA PAGTAAS
- Reese Mitchell Dela Rosa
- Oct 12, 2023
- 3 min read
Ang inflation ay isa sa mga problema ng bansang Pilipinas. Ang inflation ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang presyo ng mga bilihin ay patuloy na tumataas sa iba’t ibang antas, pagtaas ng presyo katulad ng bigas, karne, prutas, gulay, at iba pa. Ang pagtaas ng mga bilihin ay nakadepende sa supply at demand ng isang produkto. Katulad na lamang ng bigas, ang bigas ay isa sa pang araw-araw na pangangailangan ng tao at kapag nagkaroon ng shortage ng bigas nagtataas ang presyo dahil mataas ang demand mag aagawan ang mamimili sa limitadong supply, bumababa naman ang presyo ng bigas kapag mababa ang demand, at ganito ang case sa lahat ng produkto.
Ayon kay Morales & Cruz (2023), ang inflation ay tumaas sa 5.3% nitong Agosto 2023 mula sa 16-buwanang hulyo na 4.7%. Dinadala nito ang pambansang average na inflation mula Enero hanggang Agosto 2023 sa 6.6%. Bumaba ang inflation para sa ikalimang sunod na buwan noong Hunyo. Ngunit ano nga ba ang dahilan ng inflation? Sinasabing ang pagtaas ng inflation ay dahil sa pagtaas ng mga gastos sa pagkain at transportasyon. Una, nangyayari ang inflation kapag mas mataas ang demand ng mga bilihin kasya sa produksyon na kapasidad ng isang bansa, Pangalawa, nagkakaroon ng inflation kapag mataas ang supply ng pera. Ang money supply ay tumataas kapag ang awtoridad ay nagprint ng pera o kaya binibigay sa mamamayan. Dahil dito nagkakaroon ng devaluation ng pera at pagtaas ng demand ng produkto. Pangatlo, dahil ang presyo ng bilihin ay tumataas ang mga labor costs/wages ng mga manggagawa ay kailangan taasan upang mapanatili ang kanilang pamumuhay (Bradley, 2023). Mula sa artikulong nabasa sa rappler (2023), noong Hulyo 2023 naging mas mataas na year to year increase sa pagkain at hindi nakakalasing na inumin sa 8.1%, nakita rin ang pagtaas nna 0.2% sa transportasyon mula sa annual decline na -4.7%. Ang mga sumusunod ang may pinakamalaking ambag sa food inflation sa naturang buwan: cereals at cereal produces gaya ng bigas , mais, harina, tinapay at iba pang produktong panaderya (35%), gulay, tubers, saba at iba pa (30.6% share), isda at iba pang lamang dagat (13.4% share). Ayon kay Beltran (2023), mula noong 2012 hanggang 2022 ang produksyon ng pagkain ay lumago lamang ng 0.7% bawat taon samantalang lumaki ang populasyon nang 1.4% bawat taon. Lumaki ang produksyon ng palay sa 1% bawat taon. Sa asukal naman bumaba ng 2%; isda bumaba ng 1.7%. livestock bumaba ng 1.1%, itlog bumaba ng 0.4% bawat taon; at gulay lumago ng 0.4%. Sa pagdami o paglaki ng populasyon mataas ang demand at tumataas na kita kaysa sa supply.
Ang inflation ay may mabuti at masamang epekto sa iba’t ibang uri ng mamamayan, dahil sa inflation mas tumataas and trend sa mga investments—nahihikayat nito ang mga tao na kumita gamit ang pagbili ng mga stocks sa market. Sa pagtaas ng inflation nagreresulta ito sa kahinaan ng konsyumer dahil nagbaba ang purchasing tower of peso. Sa mga suliraning katulad ng inflation dapat maging edukado ang lahat ng mamamayan lalo na ang mga konsyumer sa mga suliraning pang ekonomiya at mga bagay na nakakaapekto sa bansa. Dapat ay maging mapanuri at maingat sa mga aksyon na ginagawa lalo na sa pagtaas ng mga bilihin at pagdami/paglaki ng populasyon. Nawa’y maging aral at magbukas ito sa isap ng bawat isa sa realidad na mayroon tayo. Isa ito sa problema ng bansa na kinakailangang masolusyunan dahil kung ito ay magpapatuloy lalong mahihirapan at dadami ang Pilipino na maghihirap dahil hindi maabot ang presyo at hindi masustentuhan ang pangangailangan ng pamilya.
Comments