Realisasyon: Ang Bitwin na nagniningning sa gabi.
- Reese Mitchell Dela Rosa
- Dec 22, 2023
- 2 min read
Ang literary piece/poem na "Padre Faura witnesses the Execution of Rizal"ay pumapatungkol rin kay Jose Rizal. Si Rizal ay kilala bilang isang matapang, may paninindigan sa kaniyang prinsipyo at hindi sumusuko. Maiuugnay ko ang aking sarili sa character na mayroon si Rizal. Sa buhay na tinatahak ngayon normal lamang na gawin ang mga kagustuhan, maging malaya at duwag sa mga prinsipyo at paniniwala na mayroon tayo. Si Rizal ay namatay ng walang pag-aalinlangan at pagsisi sa mga ginawa niya noong namatay siya na siyang nasaksihan ni Padre Faura. Ito ay nag iwan ng tatak sa bawat isa satin. Naging aral at mensahe nito sa akin ay kung ang buhay ba na mayroon ako ngayon at kung paano ako namumuhay ay mananatili at tatak sa mga taong makasama ko. Na sa tuwing maririnig nila ang pangalan ko maalala ba nila ang mabuting nagawa ko at mag iiwan ba ako ng legacy sa mga taong nakapaligid sa akin at mabuting modelo sa kanila.
Sa huling parte ng tula isinabi dito ay, “Star: Still shimmering even if millions of miles away, the star itself is already dead. Napakaganda at sarap pakinggan at mas lalong maganda kapag naitindihan ang ibig sabihin nito. Kaya't noong naunawaan at nalaman ko ito ako ay napahinto at napa isip, ako ba ay namumuhay ng may paninindigan at hindi duwag sa kung ano ang tama at nakakatulong sa aking kapwa? Simple lang naman kapag ako ay namatay mag iiwan ba ako ng legacy sa aking naiwan na mahal sa buhay? Kaya ngayon hangga't hindi pa huli ang lahat ninanais kong mamuhay bilang isang tao na may paninindigan, taong may pagmamahal sa kapwa at ginawa ang lahat ng makakaya. Hindi man makababalik sa nakaraan upang mabago lahat ng pagkakamali, ngayon ay maiiwasan na ito, maiiwasang maging duwag at magtago kapag alam kong hindi ko kaya, kapag alam kong may kapalit itong mas malaking responsibilidad at kinakailangan magsakripsyo para dito.
Comments