KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
- Reese Mitchell Dela Rosa
- Oct 12, 2023
- 1 min read
Ang pagsulat ay parte na ng ating buhay, sa araw-araw tayo ay nagsusuluat o sumusulat lalo sa aming mag-aaral mapa akademiko man ito o mula sa aming damdamin na tinatawag na malikhaing pagsulat. Sa pagsulat makakapagbigay o makakapagbahagi ng impormasyon, napapakita o nasasabi ang nais iparating sa mambabasa o sinusulatan. Kaya’t sa pagsulat mahalaga na may komprehensibong paksa dahilc ito ay ay nakatutulong kung paano sisimulan, pagpapatuloy at tatapusin ang iyong sulatin. Nakatutulong din ito upang maibahagi ang iyong kaalaman sa napiling paksa. Mahalaga ang akademikong sulatin sa isang mag-aaral na tulad ko upang mahasa o malinang pa ang pagsusulat ng mga pormal na sulatin. Nakatutulong din ito para sa pagdating ng kolehiyo ay hasa at marami nang alam sa paggawa ng mga pamanahong papel, mga report, at iba pang akademikong gawain, pati na rin pagdating sa mga trabaho na papasukan pagkatapos ng kolehiyo. Bukod sa akademikong pagsulat ay may tinatawag rin na di-pormal na sulatin, dito nailalahad o nasasabi ang iyong nararamdaman ito rin ay tinatawag na creative writing. Bilang isang taong mahilig magsulat sa pamamagitan ng pagsulat ay mas nasasabi ng maayos ang nais iparating o ang gusting sabihin, naging malaking tulong din ito dahil bukod sa nabanggit mas naipapaliwanag sa kumpleto at maayos na salita. May mga tao din na hirap sabihin ang nais sabihin o i-express ang sarili sa pagsasalita kaya’t mas pinipili nalang magsulat o isulat ito. Bilang isang mag-aaral maibabahagi ang mga kaalaman na mayroon ako sa pagbabahagi ng mga gawain katulad ng pamanahong papel, report laboratory, sanaysay, reaksyong papel at iba pa, ganun na rin sa pagtulong sa kanilang ibang gawain at bilang gabay kung paano ito bubuuin.
Comments