top of page
Search

"Ang susunod na sampung taon: Paglingon sa nakaraan, Pagtanaw sa hinaharap"

  • Writer: Reese Mitchell Dela Rosa
    Reese Mitchell Dela Rosa
  • Dec 20, 2023
  • 2 min read

+ Ako ngayon ay nasa 12 baitang at kasalukuyang nag-aaral. Kung ako ay magbabalik tanaw sa mga nakaraang nangyari ano kali ang mga ito? Sa tingin ko masasabi ko na ang isa sa mga mahalagang pangyayari sa buhay ko ay ang pagtungtong ng grade 11 & 12 na kung saan labis na nasubok ang buong pagkatao ko. Marami akong hindi inaasahan na dumating sa buhay ko ng mga panahon na iyon at mga nito-nito lang nangyari at talagang nasubok ako sa pagbabalanse ng oras, sa mga bagay, at tao na dapat aking unahin (priorities). Sa dami ng aking dapat gawin napagod ako at may pagkakataon na kahit pagod ayaw ko pa rin magpahinga hangga't sa nagkapatong-patong na ito. Hirap at pagod lalo na't may ilang responsibilidad na dapat gampanan pa. Sa lahat ng iyon masasabi ko na malaki ang nagampanan nito sa aking buhay at naging daan upang ako ay masanay at maihanda para sa mga dadating pa na pagsubok at karanasan sa aking buhay. Naihanda ako nito sa paraan upang pagpursigihan ko pa ang mga bagay at sitwasyon na darating sa buhay at pagdating ng kolehiyo. Nakatulong din ito upang maproseso ang aking emosyon at ang aking pag-iisip, higit sa lahat naging instrumento ito upang hindi ako maging harsh o pahirapan ang aking sarili.


Sa susunod na sampung taon wala pa akong binabalak o iniisip na mangyari. Ngunit nais kong kumuhang kursong Nursing para sa kolehiyo na kung saan ay kinakailangan ito at maraming pwedeng pagtrabuhan ganun na rin ang mga oportunidad hindi lamang sa bansa na ito pati na rin sa ibang bansa na kung saan ay mas malaki ang kinikita o sahod. Ninanais ko na makatulong sa pagpapa aral sa aking dalawang kapatid at maibigay ang kanilang pangangailan hanggang sakanila ay makapagtapos ganun na rin sa aking pamilya. Gusto ko rin na sa maagang panahon at kung kakayanin na makapagpahinga ng maaga ang aking magulang sa trabaho at makamit ang negosyo na kanilang ninanais. Nais kong maging masaya at ma-enjoy ang pagkakataon na magkakasama kami dahil darating ang panahon na magkakaroon na din kami ng sari-sariling pamilya.


Ang buhay ay hindi madali, hindi dapat maging padalos-dalos sa mga desisyon sa buhay. At laging ipapaalala sa sarili kung bakit ko/natin ginagawa ang isang bagay at bakit kinakailangang magpursigi dahil ang maaring patunguhan kung mali ang ating motibo ay mapapagod at mapapagod tayo. Kaya't upang makamit ko ang lahat ng ito babalik ako sa rason kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito at ang layunin ko. Isa rin sa aking natutunan sa aking nakaraang karanasan ay ang importansya ng pagpapahinga. Lahat ng ito ay aking gagawin, pati na rin ang ilan sa tinuro ng aking pinagkakatiwalaang tao. Pati na rin ang pagpupursigi at pagbigay ng lahat ng aking makakaya para dito.

 
 
 

Recent Posts

See All
Bionote

Kompanyang Pinagtatrabahuhan - Christ Commission Fellowship (ccf) Posisyon - Mental Health and Behavior Counselor Digri sa Kolehiyo - ...

 
 
 

Comments


bottom of page