top of page
Search

ANG PINILING STRAND MO: STEM

  • Writer: Reese Mitchell Dela Rosa
    Reese Mitchell Dela Rosa
  • Oct 12, 2023
  • 2 min read

Ayon sa blogspot na pinamagatang Stem: Ngayong makabagong henerasyon (2017), ang Stem ay nangangahulugang “Science, Technology, Engineering and Mathematics.” Ito ay isang programa pang edukasyon na naghahanda sa mga senior high school sa daan patungong kolehiyo. Ang mga kaalaman na nakapaloob sa strand na Stem na kung saan ay makakakuha ka rin ng disenteng trabaho katulad ng inhinyero (sibil, mekanikal, kemikal, elektrikal, pang-industriya, at iba pa), arkitekto, pagdodoktor, estatistiko, siyentipiko, chemist, computer programmer, software developer, pharmacist, computer system analysis, IT manager, pagdedentista, nurse, biologist, physician. Ilan ito sa mga malawak na oportunidad sap ag-aaral sa ilalim ng strand ng stem. Ito ang mga trabaho na maaring makuha na kung saan pamilyar na ang nakakarami dahil sa magandang trabaho at kita ang makukuha rito.

Sa kursong ito ano nga ba ang benepisyo nito sa mga mag-aaral o mag-aaral sa strand na stem? Isa sa mga benepisyo nito ay instrument na makapagpapaunlad sa isang indibidwal. Maaring sa strand na ito ay makakuha ka ng isang disente at magandang trabaho na magdudulot ng magandang oportunidad para sayo. Ayon sa Dynamicenergy (2022), ang benepisyo na makukuha dito ay nakakapagpaunlad ng malikhain at matatanging kasanayan sa pag-iisip, pakikipagtulungan sa mga kapantay sa pamamagitan ng pagiging epektibong magpakita ng kasanayan sa pamumuno at komunikasyon, sa pinagbuting pag unlad ng wika (sa bagong bokabularyo), at isang mas mahusay na filter ng katotohanan. Ang strand na ito ay makapagmumulat sa mga kabataan patungkol sa patuloy na pagbabago ng mundo dahil sa lumalago na industriya at teknolohiya, isa ito sa mga pag aaaralan sa ilalim na strand na stem na makapagbibigay benepisyo sa kaalaman ng mga estudyante. Bilang pagtatapos, ang Stem ay maraming oportunidad na makukuha bukod sa maayos at disenteng trabaho maraming kurso rin ang nakapaloob dito.

 
 
 

Recent Posts

See All
Bionote

Kompanyang Pinagtatrabahuhan - Christ Commission Fellowship (ccf) Posisyon - Mental Health and Behavior Counselor Digri sa Kolehiyo - ...

 
 
 

Comentários


bottom of page